Proud Dabawenya!

Proud Dabawenya!
Sa milabay nga katuigan, dungan kita mipalambo sa atong dakbayan... Diin atong gipasibaw ang tiunay nga serbisyo sa Dabawenyo. Kana tungod nagkanunayang kita NUMBER 1 sa inyong kasing-kasing (sa tulo ka termino) ug kamo usab kanako. Busa mapasalamatan kita og dako sa inyong pag salig. Ug karon, gikan sa konseho, ang muluop pangandoy sa Dabawenyo, dalhun nato ngadto sa KONGRESO... Hinaut, duyog gihapon kita sa pag abot sa panahon... MABEL SUNGA ACOSTA PO, AT YOUR SERVICE...

Proud Team Mabel

Proud Team Mabel
Happy Araw ng Dabaw!

Wednesday, July 22, 2009

Buwan ng Wikang Pambansa 2009

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, taunang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31 na pinangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Para sa taong 2009, ang tema ng pagdiriwang ay "Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Buong Bansa" bilang pakikiisa sa Taon ng Baler na ipinahayag sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1696.

Ang mga layunin ng pagdiriwang para sa taong kasalukuyan ay ang mga sumusunod:

  1. Pahalagahan ang wikang Filipino bilang pambansang wika;
  2. Itampok ang kahalagahan ng wikang Filipino para s pambansang identidad ng wika at kultura;
  3. Itaguyod ang wikang Filipino bilang midyum ng komunikasyon;
  4. Gamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa wika at panitikan;
  5. Gamitin ang wikang Filipino sa talakayang Kultura; at
  6. Pagpapahalaga sa Wikang Filipino bilang epektibong wika para sa katatagang pangkabuhayan ng sambayanang Pilipino.

Para sa isang buwang pagdiriwang, ang sumusunod na paksa ay hinati-hati sa bawat lingo ng Agosto ay:

  • Agosto 1-7 = Ang Wikang Filipino: Mahalagang Kasangkapan sa Pagpapamalas ng Kagitingan , Kagalingan at Kasipagan para sa Kalayaan
  • Agosto 8-15 = Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Identidad
  • Agosto 16-22 = Wikang Filipino: Instrumento sa Mabisang Komunikasyon at Panturo sa Wika at Panitikan
  • Agosto 23-31 = Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Batanes at Tawi-Tawi
Upang magkaroon ng makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ang lahat ng punong lalawigan at punong bayan ay inaatasang makipag-ugnayan sa Kagawaran ng Edukasyon at sa KWF ng inyong lokalidad para magsagawa ng iba't ibang programa na naaayon sa pangangailangan ng mga paaralan.

Maaari rin kayong dumulog sa website ng KWF sa www.kwf.gov.ph para sa iba pang karagdagang impormasyon.

Kaugnay nito, inaatasan ko rin ang lahat ng Direktor Panrehiyon ng DILG na dagliang ipalaganap ang direktibong ito sa kani-kanilang nasasakupan.

No comments: